Nakilala ko si Paula dito sa korea, katulad ko rin sya.. May anak, walang asawa.. Isa lang naman ang gusto naming pareho, ang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya namin..
Lagi kami magkasama, kahit sa kwarto, pati sa pagkain, pagligo.. at pati sa "barfine".. Naging matalik kaming mgkaibigan.. Nagturingan kaming magkapatid..
Masayahin si Paula, hindi kami nauubusan ng kwento.. Laging nakatawa.. Laging msaya.. pero alam ko, sa kabila ng mga ngiting yun.. Nagtatago ang pait.. Makikita sa mga mata ang takot..
Isang gabi sa club na animo impyerno.. May dalawang lalaki na pumunta.. Matagal na namin sila nakikita, pero hindi namin sila costumer.. Inalok ng ajima na maglabas ng babae.. Sa kasamaang palad.. Kami ni Paula ang napili nila..
Inihatid kami ng Inang Impakta sa motel.. Sa isang kwarto lang.. Naghihintay ang dalawang animal..
Hindi ko na ilalahad.. Sa madaling salita naganap nga.. hiyang hiya si Paula sakin, pinagkukwentuhan namin ang mga ngyari.. Pero ako? Sa totoo lang gusto ko ng lamunin ng lupa.. Nuon ko lang naranasan, ang apatan..
Mula ng gabing yon, tulad ng mga nakaraang gabi, hindi na bumalik ang mga alagad ng demonyo.. Tulad ng iba, hindi na babalik ang mga yun.. Maghahanap ng ibang "malalapa"..
Pagkalipas ng isang linggo.. Tumakas ako.. Un ang huling "adventure" namin ng kaibigan ko..
Pol.. Sana mabuksan na rin ang isip mo.. Hindi natin kailangan magtiis dito.. Sa mga taong walang pakialam sa kapwa nila tao.. Ganun pa man.. hindi ko makakalimutan ang
pinagsamahan natin.. naging mabuti kang kaibigan... pagpalain ka ni Lord.. At sana makatakas ka at wag sapitin ang sinapit ko sa mga Diyablong yun... miss na kita.
Martes, Disyembre 1, 2009
Martes, Nobyembre 24, 2009
Just call me Shena.. Matagal ko ng pangarap mag.abroad hindi naman kasi kami mayaman.. Hindi ako aasa lang sa magulang ko.. Gusto kong bumawi sa kanila, sa lahat ng hirap at sakripisyo nila para sakin... Hindi kasi ako nakatapos ng college... ehh... umibig kasi... May anak na ako at hiwalay sa asawa.. Kung saan saan na rin ako nag.apply.. Local, hanggang sa naisipan ko mag.abroad.. Dito sa Korea.. Sa pesteng lugar na to.. Hindi ko akalain na ang pangarap ko, ang umpisa ng impyerno.. Mahilig ako kumanta, dito ang apply namin ay singer.. May "kontrata".. Isang papel, na walang nakasulat kundi kasinungalingan..
Excited pa ako ng pumasa ako sa VTR na un.. Halos magpasalamat ako sa lahat ng mga santo.. Sa wakas, matutupad ko na ang mga pangarap at pangakong babawi sa lahat ng pagkukulang ko.. Sa mga taong umaasa sakin.. sa mga mahal ko..
Pagdating ko dito, kasama ang ilang kaibigan.. Excited syempre.. Pero hindi ko akalain na ganito dito..Napakasakit aminin..at tanggapin sa sarili ko kung anu ang nangyari nung unang gabing yun...
Ibinenta ako ng may.ari ng club sa isang Indiano..Hindi man magandang pakinggan..Pero pokpok ang trabaho ko dito..Puta na kahit sa hinagap hindi sumagi sa isip ko..Inisip ko nalang na may pangarap ako para sa pamilya ko...May pangako akong dapat tuparin..Bawat labas o barfine.. Pera ang katapat.. Hindi ko inamin sa pamilya ko.. Ayoko.. Alam ko Masasaktan sila..
Lumipas pa ang ilang buwan.. Kinakaya ko parin ang trabaho.. Lalabas ako kasama ng ibat ibang lalaki.. Na hindi ko kilala.. Kadalasan pwersahan talaga..Iaalok ako ng ajima sa mga lalaking papasok sa club..pag nagkasundo sa presyo..diretso motel na..at magkano mapupunta sakin? 30% sa halagang ibinayad... Karampot na halaga kapalit ng dangal ko, bilang tao,..
Bawat labas pera..pero ng tumagal, nasusuka na ako sa sarili ko.. Pakiramdam ko nawawala na sa katinuan ang isip ko... Wala akong ibang mahingan ng tulong kundi ang Diyos...
Tumakas ako sa impyerno sumama sa isang kaibigan..pero hindi nagtagal, nahuli din ako.. Sinaktan nila ako, ginulpi..tinorture nila hindi lang ang katawan ko kundi ang utak ko..at ibinalik sa club..
Isinulat ko ang kwentong ito, para mamulat ang kapwa ko pilipino.. Sa totoong sitwasyon na nagaganap sa ibang parte ng bansang ito.. Nagsisisi talaga ako kung bakit ako nandito.. Masahol pa sila sa demonyo.. Kinamumuhian ko ang lugar na ito...
Kaya kung may pangarap din kayong pumunta dito.. Mag.isip kayo ng maraming beses.. Buo ba ang loob nyo? Matibay ba ang sikmura nyo?
sa makakabasa nito.. parang awa nyo na kailangan namin ng tulong nyo..

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)